(English to follow)
Ikinagagalak ng Sulong UBC ang pagsuporta sa Democratic Alliance of Students for Integrated Governance Saint Louis University (DASIG SLU) sa kanilang kampanya para sa nalalapit na Supreme Student Council 2022 elections. Ang kanilang sawikain “Para sa LUBOG, LAPAT at WALANG KOMPROMISONG Konseho. #TakderLuwisyano!” ay nagpapahiwatig ng kanilang palaban at walang pagod na pagtindig para sa karapatan ng mga estudyante na kumakaharap sa neoliberal na sistemang edukasyon na nagpapahirap sa mangangaral.
Ang DASIG SLU ay isang alyansa ng progresibong estudyante na naghahangad ng pagkakaisa para sa pagsulong ng karapatang pantao at mangangaral sa Pilipinas. Sila ay naniniwala sa tatlong tuntunin, kolektibong pamumuno, pamumuno sa pamamagitan ng halimbawa at paggalang sa isa’t-isa na pinupunan ng pagsusuring nakabatay sa datos.
Naging inspirasyon ng Sulong UBC ang DASIG SLU sa pangako nitong samahan ang masa, pakinggan ang bawat hinaing, at ang pagbuklod ng mga adbokasiya para sa karapatan ng mga estudyante’t manggagawa. Kasama kami sa paglaban para sa nasyonal, siyentipiko, makamasang sistemang pang-edukasyon na nagkokondena ng neoliberal na pamamalakad na nakatutok lamang sa eksportasyon ng ating manggagawa sa iba’t-ibang bansa.
Ang DASIG-SLU at Sulong UBC ay bukluran ng makamasang estudyante na naghahangad na pagdugtungin ang pakikibaka ng mga estudyante sa mas malaking laban na kinakaharap ng uring manggagawa at magsasaka sa Pilipinas at lahat ng inaabuso at pinagsasalamantahan sa buong mundo.
Napakaimportanteng hakbang sa pag-abante ang pangangampanya para sa tunay at tapat na pamumuno. Iisa ang aming ipinaglalaban, mariin naming kinokondena ang mga tagapangasiwa ng mga unibersidad na mas inuuna ang tubo kaysa karapatan ng mga estudyante. Isang halimbawa ang pagtataas ng matrikula at upa habang ang UBC ay nakatayo sa napakalaking tubo at ang mga burukrata kapitalista sa SLU ay patuloy din sa pangungulimbat ng salapi.
Kami sa Sulong UBC ay personal na nakapanayam ang Executive Secretary candidate, Mikaela Sassone, at narinig namin ang kanyang dedikasyong paglingkuran ang mga mangangaral ng SLU. Amin ding hinihikayat ang mga estudyante ng SLU na suportahan ang DASIG SLU, at samahan din sila sa pagtindig at pakikibaka para sa karapatan ng mga estudyante! Kami ay saludo sa DASIG SLU sa pagbubuklod ng progresibong alyansa ng mga estudyante, at hangarin na palakasin ang pagkakaisa ng kilusan ng mga estudyante, mapa-lokal man o ibang bansa.
Sulong UBC proudly endorses the Democratic Alliance of Students for Integrated Governance Saint Louis University (DASIG SLU) in their campaign for the SLU Supreme Student Council 2022 Elections. Their slogan “Para sa LUBOG, LAPAT at WALANG KOMPROMISONG Konseho. #TakderLuwisyano!” demonstrates their unwavering dedication to upholding the rights of students in the face of a neoliberal education system which treats them as commodities. As members of a Filipino student organization at UBC, we know that our struggles here are deeply linked to the struggles of students, workers, and peasants in our homeland. Our endorsement of DASIG SLU is part of our commitment to participating in the international student struggle for a better society.
DASIG SLU is an alliance of progressive students that aim to unite their student body for the advancement of students & people’s rights & welfare in the Philippines. They are guided by three main principles: collective leadership, leadership by example and mutual respect complemented by analytical judgment.
Sulong UBC is inspired by DASIG SLU’s commitment to integrating with the masses, understanding their struggles, and building campaigns that advocate for the rights of students and workers. We have a shared commitment to fighting for a national, scientific, mass-oriented education system rather than the current neoliberal one which commodifies education and focuses on producing workers to be exported out of the Philippines.
DASIG-SLU and Sulong UBC are community-driven student organizations that aim to link the struggle of students with the broader struggle of workers and peasants in the Philippines and of exploited classes around the world.
We recognize the need to advance the campaign on genuine leadership and student representation because of our shared struggles with university administrators prioritizing profits over the needs of students. For example, students at both UBC and SLU struggle to afford basic necessities with rising tuition and cost of living, while UBC sits on an enormous endowment and bureaucrat capitalists at SLU continue to grow richer.
We at Sulong UBC have personally met with Executive Secretary candidate, Mikaela Sassone, and have heard firsthand her resolve and commitment to serving the students at SLU. We encourage the students at SLU to support DASIG SLU and to not only elect leaders who will serve the people, but also to join them in standing up for your rights as students. We also take heart in the example of DASIG SLU’s commitment to building a progressive alliance of students, and hope to strengthen the unity of our student movement, at home and abroad. Sulong!
Read & share on Instagram